Ano-anu Nga Ba Ang Simptomas ng Hypertension?
Napakahalaga na malaman ang mga simptomas ng hypertension bago maging huli ang lahat. Likas sa ating mga Filipino ang pagkahilig sa mga matatamis, mamantika at maasin na pagkain. Kapag sinabayan ito ng iba pang unhealthy lifestyle kagaya ng kakulangan sa physical activities, bisyo tulad ng pagsigarilyo at paginom ng alak, pagpupuyat at di maiwasan stress mula sa professionat at personal life, maari itong magdulot ng sakit kagaya ng Hypertension o pagtaas ng blood pressure.
Ano ang Hypertension o High Blood Pressure?
Ang hypertension o pagtaas ng presyon ng dugo ay nangyayari kapag ang iyong blood pressure (presyon) ay na sa 140 over 90 o higit pa, sa loob ng isa o higit na bilang ng linggo.
Kung ikaw ay may hypertension ito ay nagbibigay ng karagdagang trabaho sa iyong puso at sa mga blood vessels. Ang karagdagan na trabaho na ito ay ang nagiging sanhi heart attack o stroke na nakakamatay.
Bukod dito ang pagkakaroon ng hypertension ay puwedeng magresulat sa pagkakaroon ng sakit sa bato at problema sa paningin. May mga ilang pagsusulit na ang hypertension ay maaring maging dahilan upang magkaroon ng dementia ang isang tao.
Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa ng dugo ay maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso, stroke at sakit sa bato kaya dapat panatiliin ang normal blood pressure.
Ang altapresyon ay may tatlong yugto:
-
Prehypertension – Ang presyon ay bahagyang lampas sa blood pressure normal. Hindi pa kailangan ng gamot sa blood pressure pero rinerekomenda na ng mga doktor ang mag-adjust sa healthy lifestyle.
-
Stage 1 Hypertension – Mataas na ang sukat ng presyon at kailangan na ng gamot na nagpapababa nito.
Stage 2 Hypertension – Lubhang mataas na ang sukat ng presyon at maaari itong tumuloy sa komplikasyon. Kinakailangan dito ang kombinasyon ng mga gamot at pagbabago sa pamumuhay.
Mga simpotamas ng Hypertension
Ang nakakatakot sa pagkakaroon ng hypertension ay maari hindi mo alam na ikaw ay meron nito. Sa katunayan halos ⅓ ng tao na may high blood pressure ay walang malay na sila ay may ganitong uri ng karamdaman. Dahil dito importante ang regular na checkup lalo na kung may kapamilya ka na may high blood pressure o hypertension.
Kung tingin mo ikaw ay may simptomas ng hypertension maging mapanuri sa mga sumusunod na simptomas ng hypertension:
- Matinding sakit ng ulo
- Pagkapago at pagkalito
- Problema sa paningin
- Pagsakit ng dibdib
- Hirap na paghinga
- Hindi na regular na pagtibok ng puso
- Dugo sa ihi
- Pagkabog ng dibdib na maari rin maramdaman sa batok at sa tenga.
Mga Gamot at Lunas sa Hypertension
Ang sentro ng simptomas ng hypertension ang lubhang pagtaas ng blood pressure. Para mapagaling ito at maiwasan ang malulubhang komplikasyon, kailangang uminom ng mgagamot na sadyang magpapababa ng presyon ng dugo:
-
Calcium channel blocker
-
Angiotensin II receptor blockers
-
Angiotensin-converting enzyme inhibitors
-
Alpha blockers
-
Beta blockers
-
Diuretics (Water Pills)
-
Renin inhibitors
-
Combination medication
Paano Maiiwasan ang Hypertension?
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinakamabisang sandata laban sa altapresyon. Upang makaiwas sa kondisyong ito, sundin ang sumusunod:
-
Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain.
-
Magbawas ng timbang
-
Limitahan ang pag-inom ng alak
-
Tumigil o umiwas sa paninigarilyo
-
Iwasan ang lubos na kapaguran at stress
-
I-monitor ang presyon sa bahay
-
Lumahok sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation at tai chi.
Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng tamang lunas para sa inyonhg hypertension.
Kung ikaw ay nakakaranas ng isa o higit sa mga simpotamas na ito, mahalaga na kumunsulta sa doktor ng mabigyan ng agaran na medical attention.
Source: Ano ang hypertension