Narito na ang Ultimate na Tips sa Bagong Panahon
Napapansin mo ba na napapadalas ang pagsama ng pakiramdam ngayon sa papalit-palit ang panahon? Kung “OO” ang iyong sagot, huwag ka nang magtaka. Ang biglaang pagtaas at baba ng temperatura ay maaring mag-trigger ng baradong ilong, sinat o lagnat, at trangkaso. Kaya eto na health tips sa bagong panahon.
Madaming beses mo nang nabasa o napanuod na para makaiwas sa sakit ay importante ang sapat na tulog, paghugas ng kamay, at pag-inom ng tubig. Pero sa panahon na kasing dalas ng traffic ang ubo at sipon, ano pa ang puwedeng gawin para makaiwas sa sakit? Basahin at sabay natin alamin.
Ugaliin magmumog tuwing umaga
Ayon sa mga eksperto, ang pagmumog ng tubig ng tatlumpung (30) segundo ay nakakatulong para ma-stimulate ang ating immune system. Dahil sa stimulation na ito, naihahanda ng katawan ang immune system para labanan ang mga virus at bacteria. Tuklasin ang mga health tips sa bagong panahon
Okay na tiyan dahil sa probiotics
Ang health benefits ng probiotics ay hindi na kaila sa nakakarami. Kilala na nagbabalanse ng good and bad bacteria sa ating katawan. Ang probiotics ay tumutulong para makaiwas sa mga sakit gaya ng diarrhea, urinary tract infection, vaginal infection, Crohn’s disease, atbp.
Bukod sa mga supplement at inumin na may probiotics, may mga pagkain kagaya ng kimchi at yogurt na mayaman sa probiotics.
Shot na….ng Apple Cider Vinegar
Ang mga celebrity na si Katy Perry at Scarlett Johansson ay na gumagamit ng apple cider vinegar para mapanatili ang kanilang health and beauty.
Ang apple cider vinegar ay may antibacterial properties. Nakakatulong ito sa sore throat, isa siyang immunity booster, nagpapanatili ng skin health, at tumutulong sa pagbabawas ng timbang. Napakalaking pakinabang ng health tips sa bagong panahon natin ngayon.
Ihalo ang isang kutsara (1 tbsp.) ng apple cider sa isang basong tubig. Maari itong haluan ng honey. Puwede mo rin ilagay ito sa iyong salad bilang dressing.
I-disinfect ang iyong mobile phone
Magandang ugali na mag “alcogel” tayo tuwing matapos gumamit ng public toilet, magabot ng bayad sa jeep o humawak sa handrail ng escalator. Pero alam mo ba na ang iyong mobile phone (na malamang ay hawak mo ngayon) ay kasing dumi ng iyong toilet? Sa isang pagaaral 90% ng mobile phones ay positibo sa bacteria. Kasama sa mga bacteria ay dumi ng tao…eeewww. Kaya ugallin punasan ang iyong smart phone gamit ang mga mobile phone wipes.
Regular na pagpapawis
Bukod sa pagpapaganda ng katawan ang regular na ehersisyo ay nakakatulong sa katawan upang labanan ang mga virus na nagdudulot ng sakit. Ang pagtaas ng bodytemperature ay sapat para mapuksa ang karamihan ng virus na nakapasok sa ating katawan.
Dagdag gulay sa hapag kainan
Sa dami ng ganap sa buhay natin (trabaho, pagod sa biyahe, oras sa pamilya, etc.), iilan na lang sa atin ang may oras mamalengke para sa sariwang gulay. Isama na din natin na dahilan ang mataas na presyo ng gulay sa pamilihan.
Para sa mga walang oras o nagtitipid sa budget — madaming gulay ang abot-presyo pa rin. Ang mga gulay kagaya ng kangkong, talbos ng kamote, bulaklak ng kalabasa ay mabibili ng mas mababa sa PHP30.00.
Ang bunga at dahon ng malunggay ay napaka-sustansya at napakamura din.Ang malunggay ay meron vitamin A, C at E na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. Meron din itong protina na tumutulong sa ating muscle health at development. Nawa ay nakikta natin ang pakinabang ng health tips sa bagong panahon ngayon.
Ngayong parang nagwawala ang ating panahon, mas tiyakin natin na mag-ingat para hindi tayo mauwi sa sakit. Madali lang ang mga tips na binanggit namin at kayang gawin. Walang dahilan para mag-absent sa eskwuela, trabaho, o sa lakad kasama ang mga barkada – umulan man o bumagyo!
Mahalagang Paalaala: Hindi dapat gamitin ang anumang article sa blog na ito para ipalit o gawing alternatibo sa opinyon ng isang medical expert. Para sa inyong katanungang medical, kumunsulta sa inyong doktor.