Malakas na immune systemMalakas na Immune System – Isipin mo ito sandali:
Ang ating malakas na immune system ay pinoprotektahan ang ating katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit at impeksyon. Ang tawag dito ay resistensya.
May mga pagkakataon na ang ating immune system ay humihina kaya tayo nagkakasakit. May mga paraan ba para mapalakas natin ang ating immune system at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit? Ating alamin.
Ang Maluggay ay sinasabing nag papakilos ng ating utak upang mag bigay ng madaming gatas sa isang inang nagpapasuso. Gayunpaman, kapag nagkaroon na ng gatas, ang pag supsup ng bata ang dahilan upang ito ay lumabas. Kaya nagkakaroon ng malakas na immune system ang isang bata. At ang gatas na ito ay nagbibigay ng amino acid at bitamina na matatagpuan sa malunggay.
Hayaan mo na ipaliwanag ko:
Ang Immune System: INNATE at ADAPTIVE
Ang immune system ay binubuo ng mga special cells, tissues, organs at protina. Nagtutulong-tulong ang mga ito para mabantayan ang ating katawan laban sa mga sakit at free radicals.
Kapag ang malakas naimmune system ay maayos, nalalaman nito kung may mga banta kagaya ng bacteria, parasites, at virus na nakakapasok sa ating katawan. Sa oras na malaman ng immune system ang presensya ng harmful foreign organism (HFO), agad ito kumikilos upang sugpuin ang HFO.
Maaring hatiin sa dalawa ang ating immune system. Ito ay ang:
- Innate – Ito ang natural na proteksyon ng ating katawan simula ng tayo ay sanggol pa lang. Ito rin ang ating first line of defense na lumalaban sa impeksyon.
- Adaptive – Habang tayo ay nagkaka-edad, ang katawan natin ay nae-expose sa iba’t ibang uri ng sakit. Ang proseso na ito ay nagiging dahilan upang ang katawan ay magbuo ng mga anti-bodies na tumutulong labanan ang mga sakit.
- Ang pagpapa-bakuna ay isang paraan din para magkaroon ng anti-bodies laban sa mga sakit gaya ng trangkaso, polio, atbp.
Tingnan pa natin mabuti:
Defense! Defense!
Dahil ang ating malakas na immune system ay binubuo ng iba’t ibang cells, tissue, organs at protina, hindi sapat ang simpleng pahinga lamang. Kung nais palakasin ang immune system, kinakailangan dito ay complete lifestyle improvement.
Bawat parte ng ating katawan, kasama na ang ating malakas na immune system, ay mas maayos kapag ito ay naprotektahan at napalakas sa tulong ng healthy lifestyle strategies. Ilan sa mga ito ay:
- Itigil o Iwasan ang paninigarilyo
- Moderated na pag-inom ng alak
- Regular exercise
- Pagpapanatili ng tamang timbang.
- Pagkain ng mga masusustansyang prutas at gulay.
- Sapat na oras ng tulog
- Madalas at tamang paghugas ng kamay
- Pagbabawas ng alalahanin na nagdudulot ng stress
Ang katotoohanan:
Pagkain at Immune System
Ang pagkain ng masusustansyang pagkain kagaya ng prutas at gulay ay importante sa pagpapalakas ng ating katawan, at ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay tumutulong sa mas malakas na immune system.
Nabanggit ng isang pagaaral na ang kakulangan ng micronutrients, kagaya ng selenium, iron, folic acid, vitamins A, B6 C at E – ay binago ang immune response ng test animals. Pinagaaralan pa kung ang pareho lang ang magiging epekto nito sa tao. Sa mga pagkakataon na tingin mo ay hindi mo nakukuha ang tamang sustansya sa iyong pagkain, maari kang gumamit ng mga food supplement.
Karamihan ng mga drugstores ay nagbebenta ng mga synthethic at natural food supplement. Importante na kumunsulta sa doktor bago gumamit ng kahit anong food supplement.
Mahalagang Paalaala: Hindi dapat gamitin ang anumang article sa blog na ito para ipalit o gawing alternatibo sa opinyon ng isang medical expert. Para sa inyong katanungang medical, kumunsulta sa inyong doktor.
Featured Image Credits: Seniv Petro | Freepik