Alam mo ba?

Dito sa Pilipinas kilala ang malunggay na mainam na sangkap sa mga sinabawan na ulam.  Ang sabaw na may dahon ng malunggay ay mainam para sa mga nanay na nagpapasuso ng kanilang mga sanggol.  Sa paglipas ng panahon ilang mga pagaaral na rin ang lumabas na nagsasabi kung gaano kasustansya ang malunggay. Dahilan para ito ay tawagin na “Malunggay Miracle Tree”.
Malunggay miracle tree - leaf
Malunggay leaf

Ang mga ito ay pasimula pa lamang:

Most of its plant parts exhibit nutritional, therapeutic, and prophylactic properties (Fahey JW. Moringa oleifera: A review of the medical evidence for its nutritional, therapeutic, and prophylactic properties. Part 1; Malunggay Philippines, Manila Bulletin; Mamaril 2009, in BIOLIFE). Source: DA-BAR Info-Calendar 2008.

Mga Health Benefits ng Malunggay

Ayon sa isang artikulo ng pagsusuri na pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) napagalaman na ang malunggay ay nagtataglay ng mga sumusunod:

Natural health benefits Infographics

  • 75 grams Calories (mas mataas sa kalabasa, ampalaya, kamatis at karot)
  • 5.9 grams Protein (mas mataas sa cauliflower, letsugas at mustasa)
  • 12.8 grams Carbohydrates (mas mataas sa okra, papaya at pakwan)
  • 353 milligrams Calcium (mas mataas sa dahon ng gabi, mungo,kalabasa at talbos ng kamote)
  • 3.7 milligrams Niacin (mas mataas kumpara sa iba pang halaman)

Bukod dito ang malunggay ay mayaman din sa mga bitamina gaya ng Vitamins A, C and E. Ito ang mga micronutrients na tumutulong palakasin ang immune system ng ating katawan.  Dahil pinapalakas nito ang ating resistensya mas tumitibay ang depensa natin laban sa mga sakit kagaya ng ubo, sipon at trangkaso.

Ang malunggay ay nagtataglay din ng protina na tumutulong sa ating katawan para mapanatili ang growth development ng ating muscles.

Malunggay Noon

Ang Ayurveda Medicine System (AMS) ay isang makalumang pamamaraan ng panggagamot na nagsimula sa bansang Indya, tatlong libong (3,000) taon na ang nakalipas. Ang AMS ay may listahan ng mga halaman na may benepisyong pang-medikal.  Kasama sa listahan nito ay ang malunggay.

Bukod sa Indya, nakilala din ang malunggay sa Roma at Ehipto.  Sa tulong ng mga kalakalan, umabot ang malunggay sa Asya pasipiko at isa ang Pilipinas sa mga bansang narating ng malunggay miracle tree.

Natural Health Benefits

Malunggay Ngayon

Sa kasalukuyang panahon hindi lamang mga alternative medicine enthusiasts ang naniniwala sa health benefits ng malunggay. May mga grupo na rin ng mga medical professional at sangay ng gobyerno ang naniniwala at sumusuporta sa pagkain ng malunggay.

Ayon sa Business Mirror, nang maglabas ang Department of Health ng listahan ng mga halaman na maganda sa kalusugan, isa ang malunggay sa kanilang mga ini-rekomenda na herbal plants.

Malunggay miracle tree - WHO


Bukod sa DOH, kinikilala din ng World Health Organization ang malunggay bilang isa sa mga halaman nakakatulong para labanan ang malnutrisyon sa buong mundo.

Mula sa bakuran hanggang sa Hapag kainan

Sa dami ng medical benefits ng malunggay, hindi nakakagulat kung bakit simula noon at hanggang ngayon ay mayroon mga naniniwala sa tulong na kayang ibigay ng malunggay miracle tree sa ating katawan. Subukan mo magtanim ng puno ng malunggay at simulan mo ihalo ang bunga at dahon nito sa inyong mga ulam.  Dahil sa malunggay affordable na ang maging healthy.

Nakatutulong din ang naturang gulay upang maiwasan ang free radicals, stress, mapababa ang blood pressure at blood sugar. Nakapagpapababa rin ito ng cholesterol. Mainam na pampurga o deworming. Gamot din ito sa UTI. Mainam din ito sa atay at masasakit ang kasukasuan.

Samantalang ang buto naman nito o bu­nga ay nakagagamot sa arthritis, rheumatism, gout at pamamanhid. Mainam din itong gamot sa mga low-blood o may mababang blood pressure. Isa rin itong aphrodisiac.

Marami pa ang nakukuhang gamot o benefits sa halamang ito. Ang iba ay ginagawa itong shampoo, oil, sabon, perfume, fertilizer at supplement. Masarap itong ihalo sa pagkain tulad ng soup, shellfish, munggo, at marami pang iba.

Mahalagang Paalaala: Hindi dapat gamitin ang anumang article sa blog na ito para ipalit o gawing alternatibo sa opinyon ng isang medical expert.  Para sa inyong katanungang medical, kumunsulta sa inyong doktor.